Huwebes, Disyembre 18, 2008

Aking Anghel


Ikaw ay hulog ng langit
sa buhay ko na kay pangit.
Tila oras tumitigil
kapag tayo'y magkapiling,
at wala sanang pumigil
iyon ang tangi kong hiling.

Sa t'wing ika'y nahahagkan
ni ayaw ng bitawan pa,
dahil baka bumalik pa
sa taas ng kalawakan,
at ako'y iyong iiwan
sa mundong ginagalawan.

Pgkat nabihag mo ako
puso ko sayo'y nakapako.
Labis aking pagkahumaling
sa tulad mong kay galing.
Wala na akong hahanapin pa,
hindi na magloloko pa,
basta makasama lang kita
sa buong buhay ko sinta.

Aking anghel,
di malimot ang iyong ngiti.
Aking anghel,
ikaw ay hanap kong parati.
Aking anghel,
sa aking pagtulog ikaw ang panaginip.
Aking anghel,
sa aking pag-gising ika'y nais masilip.

Isang mortal akong hangal
ang sa iyo’y magmamahal.
Kung ako’y parurusahan
aking maiintindihan,
basta ikaw ang dahilan,
huwag lang ika’y pakawalan;
pagkat di ko kakayanin
ang kalungkutan ay pasanin.

Ngunit ;pano mababaklas
pakpak mo na namamalas,
upang di na makalipad
at kung saan man mapadpad.
Kase ayokong may kahati
sa iyo na sadyang kay buti.

Sana’y huwag ng bumalik pa
kung saan mka man nagmula,
pagkat di ko makakaya
kung ikaw ay mawawala,
maglalaho ang ligaya
at di na makahhinga pa.